Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapalaran ni Erap nasa kamay ng SC-Dirty Harry

IPINAUUBAYA na ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Korte Suprema ang kapalaran ni dating pangulo at ngayon Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Sakay ng taxi, naka-dilaw na t-shirt, walang bodyguard nang dumating si Mayor Lim sa lingguhang “Tapatan sa Aristocrat Forum” sa Malate, Maynila, kamakalawa.

Tumangging magpalawig si Lim nang tanungin hinggil sa disqualification case laban kay Estrada.

“Bahala na ang Supreme Court sa kanya,” nakangiting tugon ng alkalde na tinaguriang ‘Dirty Harry.’

Nang tanungin si Lim kung papayag siyang tapusin ang termino ni Estrada sakaling idiskuwalipika ng SC, umiling ang butihing mayor.

“Huwag na ‘yan. Antayin muna natin na magsalita ang Supreme Court,” ayon sa dating alkalde na maaliwalas ang mukha. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …