Saturday , November 23 2024

Bulakenyo, kinondena ang gobernador sa kasong graft

MALOLOS, Bulacan–Kinondena ng mga Bulakenyo si Governor Wilhelmino Sy-Alvarado dahil sa sinasabing multi-milyong anomalya sa paglustay sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan matapos kasuhan ng graft and corruption at plunder sa Office of the Ombudsman kamakailan.

Hinamon ng Kilusan Laban sa Korapsyon sa Pamahalaan (KLKP-Bulacan Chapter) si Alvarado na patunayan na mali ang Commission on Audit ( COA) sa kanilang nabulgar na anomalya at korupsyon na naka-saad sa COA 2012 Audit Report.

Sa audit report na inilabas ng COA, nagkaroon ng mismanagement sa pondo ang lalawigan, gaya ng P200.25 milyon unliquidated cash advance ng intelligence fund ng gobernador, ilegal na paglustay sa 20% Development Fund na nagkakahalaga ng P331 milyon, P89.7 na nawawala na ipinamudmod sa mga kaduda- dudang non-government organizations (NGOs), P6.7 milyong buwis ng mga empleyado at contractor na hindi nai-remit sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at P5 milyong koleksyon ng Kapitolyo na hindi iniulat.

Ayon sa COA report, nag-hire ng maraming job order, contractual at consultants ang Kapitolyo na hindi kuwalipikado. May 72 consultants, 645 casual employees, 371 job orders, 271 contractuals, 244 service contracts si Alvarado.

Ayon sa KLKP, bunga ng iregularidad sa paghawak sa pondo ng Bulacan, bangkarote ang Kapitolyo na naging dahilan upang mangutang nang malaki sa Philippine National Bank (PNB) noong 2011 ng P 1.7 bilyon para tustusan at maipagpatuloy ang mga proyekto at programa.

Nabatid na kasalukuyang nasa proseso an g karagdagang uutangin na nagkakahalaga ng P300-M upang ipantustos din sa mga nakabinbin na proyekto. Napag-alaman, mahigit P500 milyon ang utang ng Kapitolyo sa mga supplier at contractor simula pa noong 2010 hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, hiniling ng nabanggit na organisasyon na iulat sa mga Bulakenyo kung saan napunta ang inutang na P1.7 B noong 2011.

Ang COA Report din ang nagsilbing basehan ng 319,707 Bulakenyo na pumirma sa petisyon laban kay Alvarado upang mapaalis sa puwesto sa recall election.

Ayon sa petisyon, ang kawalan ng tiwala ng mga Bulakenyo ang dahilan sa pagsasampa ng petisyon sa COMELEC).

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *