Sunday , April 13 2025

Blacklist sa ospital ipatutupad ng PhilHealth (Bwelta sa PHAP)

BINIGYANG-DIIN ni PhilHealth President/CEO Alex Padilla na hindi kinakatawan ni Dr. Rustico Jimenez ang buong Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP).

Sa harap ito nang banta ni Jimenez na maaaring hindi na kilalanin ng kanilang mga miyembro ang PhilHealth card ng mga pasyente kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang pagkakautang sa mga pagamutan.

Sinabi ni Padilla, katunayan ay itinanggi ng PHAP sa Visayas na kaisa sila sa nasabing banta ni Jimenez.

Ayon kay Padilla, may pananagutan ang mga ospital na tatanggi sa mga pasyenteng PhilHealth card holders.

Kabilang aniya sa maaaring pananagutan o parusa sa mga magmamatigas na ospital ang “pagkaka-blacklist” sa PhilHealth at pagpawalang-saysay sa kanilang lisensya.

Taliwas sa babala ni Jimenez, wala pa aniya silang natatanggap na reklamo mula sa mga pasyente na tinanggihan sila ng pribadong pagamutan.

About hataw tabloid

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *