Friday , November 22 2024

3 bagman ‘kabit’sa ofis ni PNoy, Ochoa (Sa P10-B pork barrel scam)

MARIING pinabulaanan ng Malacañang ang report na mayroong tatlong babaeng tumatayong “bagman” ng Palasyo sa isyu ng pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

Batay sa report, lumutang ang pangalang Rochelle Ahoro na konektado kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, Odette Ong na nagtratrabaho sa Office of the President, at si Mary Antoinette Lucile Ortile na konektado sa tanggapan ng Executive Secretary.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang batayan at gawa-gawa lamang ang alegasyong tumutumbok kay Pangulong Aquino sa isyu ng pork barrel scam.

Ngunit hindi itinanggi ni Coloma si Ahoro na isang undersecretary at tumatayong appointment secretary ni Pangulong Aquino, habang si Ong ay isa ring undersecretary na kasalukuyang namamahala sa Palasyo ng Malacañang gayundin sa Mansion House sa Baguio at Malacañang sa Sugbo, samantalang si Ortile ay matagal nang nagbitiw sa kanyang posisyon.

Ayon kay Coloma, ang pagdawit sa pangalan nina Ahoro at Ong ay kagagawan lamang ng mga taong nais baligtarin ang isyu ng pork barrel scam at nais isangkot ang Palasyo kasama si Pangulong Aquino.

Inihayag ni Coloma, hintayin na lamang ang resulta ng pagbusisi ni Justice Sec. Leila de Lima sa mga statement ni Napoles kaugnay ng kanyang nalalaman sa operasyon ng pork barrel scam at kung sino-sino ang mga sangkot sa binabanggit na paglustay ng pera ng bayan.

ABAD INABSWELTO SA PORK SCAM

ABSWELTO pa rin sa Palasyo si Budget Secretary Florencio Abad sa pork barrel scam dahil lingid daw sa kaalaman ng publiko, siya ang repormista sa administrasyong Aquino.

“Butch Abad is a reformist in government. A number of reforms that he is… These reforms that he has been doing in the Budget is not sexy in the sense that — it’s a reform on governance. These are governance reforms. And so there is no direct relation to the people on the ground,” pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sabi pa ni Lacierda, dahil sa mga repormang naipatupad ni Abad ay hindi kapani-paniwala na may kakayahan siyang maglustay ng pondo ng bayan.

“(Secretary) Butch Abad has been portrayed in a quite a negative fashion. But the reforms that he have made…You will not believe that Butch Abad is involved in any way with respect to the allegations,” ani Lacierda.

Gayunman, hinihintay pa aniya ng Palasyo ang extended affidavit ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles na may lagda dahil hanggang ngayon ay mga alegasyon pa lang ang naglabasang ulat laban kay Abad kaya’t walang imbestigasyon na isinasagawa laban sa Kalihim.

Si Abad, kasama sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at TESDA Director-General Joel Villanueva, ang tatlong miyembro ng gabinete na isinangkot sa pork barrel. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *