Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola, sanggol patay sa ipo-ipo

KIDAPAWAN CITY – Nag-iwan ng dalawang patay at isang sugatan ang malakas na ipo-ipo na tumama sa North Cotabato dakong 5 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Princess Jelyn Tubal, 5-buwan gulang, at Teresita Murillo, 53, habang sugatan si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng Sitio Mauswagon, Brgy. Salunayan Midsayap North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang mabuwal ang mga puno ng mangga at niyog dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Nakaligtas si Asinas nang makatakbo habang binawian ng buhay ang maglola nang mabagsakan ng mga puno.

Kwento ng ilang mga nakasaksi, maaaring ipo-ipo ang tumama sa kanilang lugar dahil sa lakas nito ay nabuwal ang mga puno ng niyog, mangga at iba pa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …