Tuesday , December 24 2024

Coco Levy imbestigahan sa Kongreso

052614_FRONT

ISANG ‘listahan’ ang hawak ng isang banko na mas masahol pa sa “pork barrel list” at dapat busisiin ng mga mambabatas sa Kongreso.

Inihayag ito ni dating Manila representative Benny Abante, kaugnay ng aniya’y mas masahol pa sa listahan ng mga nakinabang sa P10-billion pork barrel scam at “kung may bait pa tayo sa ating bansa, hindi dapat isawalang-bahala ng Kongreso.”

Tinukoy ni Abante ang tinatawag ngayong “Dean’s list” o listahan ng mga kasong hawak ng law firm ng isang board member ng na-sequester na United Coconut Planters Bank (UCPB) na si Atty. Nilo Divina, kasalukuyang Dean ng University of Santo Tomas Faculty of Law.

“Sana’y pakinggan ako ng aking mga dating kasamahan sa Kongreso, huwag ninyo itong balewalain. Agad sanang imbestigahan ng Mababang Kapulungan at ng Senado ang bagay na ito dahil napakalaki ang taya ng publiko sa isyung ito,” ayon kay Abante, dating Chairman ng House committee on Information.

“Sampung bilyon na ang dumulas sa kamay ng publiko dahil sa pork barrel scam. Kung totoo ang mga balita, mapagdarambungan na naman ang taong-bayan ng P15.6 billion worth of coco levy funds. Ito ay napakalaking bahagi ng pondong ipinaglaban ng ating mga magsasaka sa loob ng apat na dekada.”

Sa nakaraang linggo, ibinunyag at mariing tinutulan ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) ang hakbang ng mga itinalaga ng gobyerno bilang kasapi ng UCPB board of directors dahil sa pag-angkin nila sa UCPB coco levy funds na ang buong bayan ang tunay na nagmamay-ari.

Dalawa umanong kaso ang isinampa ng UCPB laban sa Presidential Commission of Good Government (PCGG) na humihiling sa mga hukuman na ideklarang pagmamay-ari ng nasabing banko ang P15.6 billion ng kabuuang P71 bilyong halaga ng coco levy fund shares sa sequestered na UCPB.

Ang dalawang kasong ito ay isinailalim sa pangangalaga ng law firm ni Atty. Divina, na nagbunsod sa pagbubunyag ng NCFC na ang kalakarang ito ay “batbat ng ‘conflict of interest’” at sa panawagan para sa pagsasapubliko ng napapaulat na “Dean’s list.”

“Hindi kailangan ng abogado para makita ang mga iskemang ito, kung mapapatunayan, talagang papasok sa graft and corruption, possibly plunderous and certainly preposterous. Inihabla ng PCGG ang ahensyang may kontrol sa banko dahil sa pampublikong pondong sapi rito – mga pondo na ayon sa Korte Suprema ay pag-aari ng mga magsasaka sa niyugan. Hindi dapat pinalalampas ang katotohanang ang law firm ng isang kasaping board ng bangko ang may hawak sa mga kaso,” paliwanag ng dating mambabatas.

“Tumanggap man ng kabayaran ang law firm ni Divina o hindi, ang pagtanggap pa lamang sa mga kasong nabanggit ay masama na kaagad sa panlasa at napaka-unethical. Maski na ang mga taong sangkot o mga tanggapang kinunsulta ng UCPB board bago isinampa ang mga kaso ay hindi rin mahalaga sa usaping ito. Ang pag-isipan lamang na isampa ang mga kasong ito laban sa nakahihigit na interes ng publiko ay kwestyonable na. Para tayong iginigisa sa sariling mantika. Dinaraan na naman sa bilis ang bayan at ating mga mamamayan.”

Tuluyan nang tinuldukan ng hukuman ang usapin sa pagmamay-ari ng coco levy funds noong Hulyo 2013 nang magdesisyon ang Korte Suprema na ito ay pag-aari ng bayan at inatasan ang UCPB na isuko sa gobyerno upang mapakinabangan ng mga magniniyog at sa paglago ng industriya ng niyog sa bansa.

“Malinaw sa lahat ang atas ng Korte Suprema, maliban sa mga kasapi ng UCPB board. Dapat ipagtanggol ng Kongreso ang maliliit na magsasaka sa ating mga niyogan at pagpaliwanagin si Divina sampu ng mga kasamahan niya kung bakit nila inaangkin ang pondo,” diin ni Abante, ang may-akda ng Agri-Agra Reform Credit Act of 2009, ang batas na nagnanais na isulong ang kabuhayan ng mga magsasaka at mga benepisaryo ng agrarian reform program ng bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *