Tuesday , December 24 2024

Mangingisda todas sa lapa ng buwaya

PATAY ang isang mangingisda nang lapain ng buwaya kamakalawa ng gabi sa ilog ng Sitio Marabajay sa Bataraza, Palawan.

Kinilala ang biktimang si Rommel Siplan, 30, residente ng bayan ng Bataraza.

Ayon sa ulat ni Ensign Grenata Jude, PIO ng Coast Guard District Palawan, nangyari ang insidente sa ilog sa nabanggit na lugar.

Agad nagresponde ang patrol boat ng Coast Guard at nadatnan ang bangka na palutang-lutang habang nasa gilid ang buwaya at sakmal pa ang mangingisda.

Nagpaputok ang mga tauhan ng Coast Guard hanggang sa bitiwan ng buwaya ang katawan ng biktima.

“Nakita ang isang bangka na palutang-lutang at nang mailawan nasa gilid ‘yong buwaya na kagat-kagat na nga po ‘yong biktima,” ani Lt. Jude. “Pinaputukan po ‘yong buwaya at agad-agad namang nabitawan ng buwaya ang kanyang biktima. Na-turnover na rin namin ang bangkay sa local PNP sa area.”

Ayon kay Jude, batid na may gumagalang buwaya sa area ngunit sa kanilang teorya ay baka napadpad lamang doon ang biktima. Ang ilog aniya ay karugtong ng karagatan sa lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *