NANININDIGAN ang Palasyo na ang mga kasong isinampa laban sa mga Estrada ay base sa ebidensiya.
Ito ang bwelta ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa akusasyon ni Sen. JV Ejercito na pinopolitika ng administrasyong Aquino ang kanilang angkan at gustong mawala na sila sa kapangyarihan.
Sa inilabas na Supreme Court en banc resolution noong nakalipas na linggo, inutusan sina ousted president at convicted plunderer Joseph Estrada, Atty. Alice Vidal at Mayor Alfredo Lim na magsumite ng kani-kanilang memoranda sa Korte Suprema para maging basehan ng mga mahistrado sa pagpapapasya sa disqualification case laban kay dating Pangulong Estrada.
Kamakalawa, diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa campaign overspending habang si Sen. Jinggoy Estrada ay akusado sa plunder case kaugnay sa P10-B pork barrel scam.
(ROSE NOVENARIO)