Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 Koreano minasaker sa Cebu

NEGOSYO ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa tatlong Koreano sa loob ng Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi.

Natagpuang patay sa loob ng Han Ga Wi restaurant sa Brgy. Maribago sa Lapu-Lapu City dakong 5 p.m. kamakalawa ang mag-asawang sina Ho An at Kim Soonok, at ang anak nilang si Young Mi An.

Ayon kay Chief Insp. Conrado Manatad, Lapu-Lapu City Station 2 chief, ang bangkay nina Ho An at Kim Soonok ay natagpuan sa labas ng restroom habang ang katawan ni Young Mi An ay natagpuan malapit sa kusina.

Ang tatlong biktima ay pawang may mga saksak sa kanilang katawan.

Natagpuan ang suspek na mister ni Young Mi An na si Kim Se Wong, sa upper floor na may laslas sa magkabilang pulso, hinihinalang nagtangkang magpakamatay.

Ang suspek na nilalapatan ng lunas sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, ay kakasuhan ng kasong parricide at multiple murder bunsod ng insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …