Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoy ‘di tinuli, buhay ni dok nanganib kay kagawad

TINUTUKAN ng baril ng barangay kagawad ang isang doktor nang hindi matuli ang kasama niyang bata kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong unjust vexation at grave threat ang suspek na si Danilo Trinidad, 51, kagawad ng Brgy. Sipac Almacen.

Habang kinilala ang biktimang si Dr. Henry Tinio Ballecer, 45, ng Magnolia St., Brgy. Tanza ng nasabing lungsod, volunteer doctor sa libreng tuli sa nasabing barangay.

Nabatid na dakong 2 p.m. nang magsagawa ng libreng tuli sa Governor Pascual St., Brgy. Sipac Almacen ang grupo ng volunteer doctors sa pangunguna ni Dr. Ballecer na tatagal lamang hanggang 5 p.m.

Dumating ang suspek na may kasamang bata ngunit sinabihan na hindi na maaaring tuliin dahil lagpas na sa oras.

Bunsod nito, nagalit ang suspek at tinutukan ng baril ang biktima habang kumakain ang mga doktor.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …