NGANGA ang mga guro kaugnay sa hirit nilang umento sa sahod dahil hindi maibibigay sa kanila ng Department of Education (DepEd) ngayong school year.
Ayon kay Education Sec. Armin Luistro, ang usapin kaugnay sa umento ng mga guro ay posibleng pumasok sa 2015 dahil naipasa na ang budget para sa 2014.
Dagdag ng opisyal, ang usapin sa dagdag sahod ng mga guro ay para sa 2015 budget. Mungkahi ni Luistro sa mga guro, isaalang-alang ang kinabukasan ng mga mag-aaral at suriin ang pondo at hindi lang guro ang sakop nito kundi maging ang iba pang public servants.
(ED MORENO)