Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katorse binakuran bagets tinarakan si ‘Ariel Rivera’

SUGATAN ang 16-anyos binatilyo nang saksakin ng karibal sa panliligaw, sa isang 14-anyos, sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC), ang biktimang si Ariel Rivera, estudyante,  ng 178 Osmeña St., Tondo, sanhi ng mga saksak sa katawan

Sa ulat ng Manila Police  District – Police Station 1(MPD-PS1) selos ang dahilan kung bakit sinaksak ang biktima nang sabayan niya sa paglalakad ang dalagita na nakita ng karibal.

Nabatid kay Ann, 14 anyos, kasabay niyang naglalakad ang biktima nang salubungin sila ng mga suspek na biglang naglabas ng patalim ang isa sa grupo saka sinaksak sa likod si Rivera.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rowel Candelario ng MPD-PS1, dakong 3:30 a.m. nagganap ang insidente sa panulukan ng Herbosa at Velasquez streets.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jessmar Mallari, Bryan Valenzuela, Eddie Boy at Joe Fred, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa anim pang kasamahan na tumakas matapos ang insidente.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …