LEGAZPI CITY – Pahirapan para sa panig ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi na makapasok at maapula ang malaking sunog na nangyari sa halos limang ektaryang kagubatan sa paanan ng Mt. Mayon, partikular sa Brgy. Bonga sa Legazpi City.
Ito’y dahil halos walang madaanan ang nagrespondeng mga awtoridad bukod sa matarik at madilim ang lugar.
Ayon kay City Fire Marshall Damian Rejano, dakong 3 a.m. kahapon nang unti-unti at kusang naapula ang apoy.
Ayon sa inisyal na impormasyon ng BFP, dakong 8 p.m. kamakalawa nang magsimula ang apoy.
Nagpapatuloy ang assessment na isinasagawa ng mga awtoridad at local officials sa lalawigan kaya hindi pa matukoy kung mula sa bulkan o dahil sa pagkakaingin ang dahilan ng nasabing sunog. (HNT)