Wednesday , November 6 2024

UCPB board hinambalos (Nanggisa sa sariling mantika)

052114_FRONT

UMIINIT ngayon ang mga likurang bahagi ng mga kasapi ng United Coconut Planters Bank (UCPB) board of directors dahil sa pagkuha ng serbisyo ng isang miyembro at pagbayad ng di-makatarungang milyon-milyong piso.

Bukod dito, nasasadlak din sila sa balag ng alanganin dahil sa isyu  ng “conflict of interest” na napaulat kamakailan. Ito at ang mga ‘di pa naibubunyag na mga pararang ang hinaharap ng UCPB na kumukulapol sa pagdududa hinggil sa operasyon ng nasabing banko na isang “government-sequestered bank,” ayon sa anti-graft watchdog na National Coalition of Filipino Consumers (NCFC).

Kaugnay nito, hinamon ni NCFC legal counsel at spokesperson Atty. Oliver San Antonio ang mga opisyal ng UCPB na “gawing hayag sa publiko ang mga kaso ng banko na pinahawakan sa Divina Law kasama ang halaga ng ipinambayad sa nasabing law firm.”

Ang Divina Law ay isang law firm na itinatag at pinapatakbo ni Atty. Nilo Divina, ang kasalukuyang dean ng  University of Santo Tomas Faculty of Law at nagsisilbi rin kasapi ng UCPB board of directors. Sa website ng Divina Law, ang  mga serbisyong ibinibigay nila ay “kinabibilangan ng kabuuang serbisyong legal sa ilalim ng mga batas ng Filipinas (the entire spectrum of Philippine law)” kasama rito ang “corporate, criminal and civil litigation, alternative dispute resolution, estates and trusts, immigration, labor and employment, elections, administrative regulation, and maritime law.”

Sa pagbubunyag ni San Antonio: “Meron na tayong alam na dalawang kasong sinawsawan ng Law Firm ni Dean Divina at dapat na ibuyangyang sa publiko na bilyon-bilyong piso na ang halaga ng serbisyong ibinayad sa kanila ng nasabing banko. Sa ngalan ng transparency, nais natin isapubliko ng banko kung bakit nila kinuha ang serbisyo ng isa nilang kapwa miyembro sa UCPB Board of Directors bilang external counsel o abogado; pangalawa, ilan pang mga kaso ang ipinaubaya ng banko sa pangangalaga ng law firm na itinatag at pinapatakbo ng naturang miyembro; at pangatlo, magkano na sa ngayon ang nakamal ng nasabing law firm mula sa UCPB.”

“Sa laki ng halagang kaakibat ng mga kasong isinampa ni Divina para sa UCPB laban sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), hindi na tayo magigitla kung umaabot na sa bilyon ang nata-charge ng nasabing law firm sa legal fees. Siyempre, alam din natin na sa ating propesyon, ang mga partido ay maaaring humantong sa mga kasunduang walang limitasyon ang kabayaran basta ba katanggap-tanggap sa mga nagkakasundong partido. Puede pa ngang libre, puedeng ilang piso lamang, puede rin milyon-milyon. Ang dapat lang natin isipin sa isyung ito, ang katotohanan na ang bankong ito ay isang  “government-sequestered company” na nangangalaga sa perang idineklara ng Kataas-taasang Hukuman bilang pera ng bayan,” dagdag ni San Antonio.

Dalawang kaso na ang isinampa ng UCPB sa Makati RTC laban sa PCGG at hiningi nito sa hukuman na ideklara ang P15.6 bilyon sa P71 bilyon na coco levy fund bilang pag-aari ng UCPB.

Nauna nang kinwestyon ng dating pinuno ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkakatalaga ni Divina bilang external counsel ng UCPB sa mga kaso ng nasabing banko dahil isa umano itong lantarang “conflict of interest unbecoming of the dean of one of the most respected law schools in the country.”

“Ang Board ang nag-a-approve sa pagkuha ng serbisyo ng external counsel, ang nagtatanto ng kabayaran at ang nagbabayad sa serbisyo ng external counsel,” paliwanag ni San Antonio.

“Maraming katanungan sa kasong ito dahil kwestyonable ang aksyong isinagawa ng board at si Dean Divina mismo sa puntong ito ay maaari nang ethically questionable. Bakit nila kinuha ang serbisyo ng isang abogado na kasama rin nila sa Board? Bakit tinanggap ni Dean ang mga kasong ito? Kung sya ay may delicadeza, madaling tangihan ang mga alok na ito at naibigay sana ang mga kaso sa pangangalaga ng iba pang magagaling na law firm sa bansa. They could have done these out of delicadeza pero hindi nila ito ginawa,” giit ng dating legal ethics professor.

“Diyan lang sa Makati, kung saan matatagpuan ang opisina ng UCPB at Divina Law, maraming magagaling na law firm ang maaaring pagpilian. Bakit kailangan pang ibigay sa isang Director nila ang kaso? (Even in the Makati area where UCPB and Divina Law hi\old office, there are many excellent law firms. Why did UPCB have to give the cases to one of their Directors?)”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *