Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyudo dedo sa 5 punglo (Sa 60th birthday)

PATAY sa limang bala ng kalibre. 45 pistola ang 60-anyos birthday celebrant nang barilin sa loob ng kanyang bahay sa Marikina City kamakalawa.

Sa ulat kay Supt. Vincent Calanoga, kinilala ang napatay na si Virgilio Gervacio, 60, biyudo, ng Blk. 54, Lower Pipino St., Brgy. Tumana.

Ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt – operation para arestohin ang ‘di nakilalang suspek na mabilis nakatakas.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ritchie Baldesco, dakong 9:00 p.m. mag-isa na lang idinaos ng matanda ang ika-60 kaarawan, dahil kamamatay lang ng misis, nang biglang pumasok ang suspek saka limang ulit binaril ang biktima sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Sa pahayag ng anak na si Anna Virginia Gervacio, 31, dalaga, wala siyang alam na kinasangkutang gulo ang ama at tanging alam niya, nagsarili ng tirahan mula nang pumanaw ang kanilang ina.

Ayon kay Insp. Luisito Lampitoc ng SOCO, nakarekober sila ng limang basyo ng bala ng kalibre. 45, isang deformed slug at ilang drug paraphernalia sa crime scene. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …