Friday , November 22 2024

US$4,000 ‘natangay’ ng 2 pulis-Maynila sa turistang Kano

HINULIDAP ng dalawang pulis  ang isang American  national habang namamasyal  sa Ermita, Maynila, kamakalawa.

Nagtungo sa MPD General Assignment Section ang Kanong kinilalang si Adam Miller, 54, naka-check in sa 408 Sogo Hotel, A. Mabini St., Ermita, upang ipa-blotter ang insidente.

Hindi natukoy ng biktima ang pagkakakilanlan sa dalawang pulis na inilarawang nakasuot ng kulay asul na PNP patrol shirt, nakasakay sa isang SUV na goldish-brown na ang plaka ay for registration.

Sa imbestigasyon, dumating sa Maynila  si Miller kamakalawa, nag-check in sa nasabing hotel at matapos maka-pagpahinga ay nagpasyang mamasyal sa paligid.

Dakong 3:30 p.m. habang naglilibot sa paligid ng A. Mabini St.,  Ermita, nilapitan siya  ng dalawang pulis na may mga nakasukbit na baril, sinita saka hinanap ang kanyang pasaporte na kaniya agad naipakita.

Hhindi pa nasiyahan ang dalawang ‘pulis’ kaya sila na ang kumalkal sa bitbit na bag  ng Kano.

Nang matapos halungkatin ng mga suspek ang kanyang bag ay saka siya iniwan at nang kanyang bulatlatin nawawala na ang kanyang US$4,000.

Ang biktima ay sinamahan ng mga nagpa-patrol na  tourist police sa MPD headquarters upang ipa-blotter ang pangyayari.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *