Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UCPB board itinuro sa Coco Levy Funds

052014_FRONT

HINAMON ngayon ng abogado ng National Coalition of Filipino Consumers na si Atty. Oliver San Antonio na sagutin ng kaukulang mga pinuno kung bakit tinututulan ng mga taong gobyerno sa UCPB Board ang claim ng pamahalaan sa coco levy funds?

Pinagpapaliwanag ni San Antonio ang mga opisyal ng UCPB hinggil sa dalawang kasong inihabla nila sa Makati RTC laban sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at humihiling sa nasabing hukuman na pahintulutan silang akuin ng UCPB ang P15.6 bilyon sa P71 bilyon coco levy fund shares.

“May pananagutan ang UCPB Board sa mga shareholders. At dahil gobyerno ang nagmamay-ari ng UCPB na nagtalaga ng kanilang mga kinatawan bilang mga director sa UCPB Board, kailangan nilang managot sa taong bayan, ang totoong nagmamay-ari ng nasabing banko,” ayon kay San Antonio, dating opisyal ng Integrated Bar of the Philippines at Chairperson ng UP University Student Council noong dekada nobenta.

Ang mga kasapi ng UCPB Board ay itinalaga sa puesto dahil sa nominasyon ng PCGG at pagsang-ayon ng Pangulo.

“Nararapat na magpaliwanag ang mga itinalagang kasapi ng UCPB Board sa ating mga mamamayan kung bakit naghain ng habla na kumukwestyon sa pagmamay-ari ng publiko at ng mga magniniyog sa bansa sa coco levy funds,” dagdag ni San Antonio.

Noong Disyembre 2012, nagsampa ng dalawang civil action sa Makati RTC ang UCPB sa pamamagitan ng mga abogado nila mula sa The Divina Law Firm. Ang unang kaso ay isinagawa ng nasabing Law Firm para sa UCPB laban sa Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) at sa PCGG samantalang ang pangalawang habla ay isinulong para sa COCOLIFE laban sa Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) at sa PCGG.

Ang isang “special civil action for declaratory relief” ay isinasampa upang magsagawa ang hukuman ng isang deklarasyon hinggil sa isang karapatang inaangkin ng partidong umaangkin nito. Ibig sabihin, ang mga partido sa kasong binabanggit sa itaas (UCPB at COCOLIFE) ay humihingi ng kalinawan kung ang bahagi ng USPB shares na nagkakahalaga ng P71 bilyon na pagmamay-ari ng gobyerno batay sa naunang desisyon ng Korte Suprema, ay pagmamay-ari ng UCPB.

Noong Hulyo 2013, nagdesisyon ang Korte Suprema nang may katiyakan (with finality) na ang coco levy funds ay “public property” at nagsabi rin na walang karapatan ang negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco sa shares sa UCPB dahil ang perang ginamit upang lumago ang sapi nito ay nagmula sa pondo ng gobyerno.

Inutusan din ng Korte Suprema si Cojuangco na ibalik ang UCPB shares sa pamahalaan “upang pakinabangan ng mga magniniyog at upang magamit sa pagpapaunlad ng industriya ng pagniniyog sa bansa.”

“Ang coconut levy funds ay kinolekta noon para sa isang espesyal na kapakinabangan ng publiko. Dahil dito, kahit na anong paggamit o paglilipat ng mga pondong ito na nagbibigay pakinabang sa kahit na sinong pribadong indibidwal ay walang bisa,” paliwanag ng Hukuman.

Kaya lalong naging kaduda-duda ang mga kasong isinampa ng UCPB, ayon kay San Antonio, ang pagpapaubaya ng nasabing mga taong gobyerno na hawakan ng isang law firm na nasa direktang pagmamay-ari ng isang kasapi ng UCPB Board na si Atty. Nilo Divina.

“Dahil dito, ang ginawang pagkontrata sa serbisyo ng isang external counsel na direktang may kaugnayan sa isang kasapi ng Board ng nasabing banko ay isang pagkakataong batbat ng conflict of interest. Maliban pa sa kaduda-dudang mga kasong isinampa ng UCPB sa hukuman. Matanong nga natin: bakit nga ba inarkila ng UCPB Board ang serbisyong legal ng isa sa mga sariling kasapi nito upang maging abogado sa mga nabanggit na kaso,” diin ni Atty. San Antonio.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …