PATAY ang isang vendor habang 6 ang sugatan kabilang ang driver ng jeep, nang magbanggaan ang tren at ang isang pampasaherong jeepney sa Sampaloc, Maynila, kahapon.
Putol ang paa at patay na bago pa idating sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na kinilalang si Reynaldo Macapagal habang patuloy na ginagamot ang 6 biktima, apat na babae at tatlong lalaki.
Sa inisyal na report, dakong 4:20 p.m. naganap ang insidente sa ng G. Tuazon at Antipolo Sts., Sampaloc.
Galing ang pampasaherong jeepney (PXR 125) sa Balic-Balic patungong Quiapo pero hindi umano napansin ang nakababang barera kaya deretsong tumawid sa relis kaya nahagip ng tren patungong Bicutan.
Nakaladkad nang halos sampung metro ang jeep na ikinawasak nito.
Sinasabing nakasabit ang vendor na si Macapagal sa jeepey kaya siya ang napuruhan.
(leonard basilio)