BINAWIAN ng buhay ang sanggol ni Andrea Rosal na si Diona Andrea Rosal, dalawang araw makaraan isilang sa Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila.
Ayon sa ulat ng Karapatan, si Diona ay nalagutan ng hininga habang nasa Neonatal Intensive Care Unit ng PGH bunsod ng hypoxemia o kakulangan ng oxygen sa dugo.
Magmula nang isilang, ang sanggol ay inilagay sa artificial respirator at nakaranas ng seizures.
Si Andrea Rosal, anak ni yumaong Gregorio Rosal, spokesman ng New People’s Army (NPA) ay pitong buwan buntis nang maaresto noong Marso 27, 2014.
Siya ay sasailalim sana sa pre-natal check-up nang siya ay illegal na arestuhin ng mga elemento ng NBI at ISAFP. Ayon sa mga awtoridad, inaresto si Rosal bunsod ng kasong murder at kidnapping.
Inihayag ng Karapatan na nakaranas si Rosal ng premature contractions habang nakapiit sa Camp Bagong Diwa.
“We find the BJMP authorities, the Armed Forces of the Philippines and all government agencies responsible for the illegal arrest and detention of Andrea Rosal accountable for the death of Diona Andrea and the situation of Andrea. Their blatant disregard of the rights of Andrea, including her right to receive immediate medical care and be in an environment conducive for conceiving and delivering a healthy child, are apparent in this case. Ang gobyernong ito ay walang puso para sa mga ina at anak tulad ni Andrea at Diona Andrea,” pahayag ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan.
(HNT)