SIMULA ngayong taong ito ay magkakaroon ng bagong iskedyul ang mga laro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Gagawin ang mga laro ng men’s basketball tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes mula alas-12 ng tanghali at alas-2 ng hapon samantalang mga laro sa juniors basketball ay gagawin tuwing alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon.
Bukod dito ay magkakaroon ng isang seniors na laro sa alas-12:30 ng tanghali tuwing Sabado.
“We’ve added a Saturday game so as to address the issue from last year when our season reached as long as November. This is basically to shorten the season a bit,” wika ni Paul Supan ng Jose Rizal University na magiging tserman ng Management Committee ng NCAA ngayong taong ito.
Ang JRU ay magiging punong abala ng NCAA Season 90.
Idinagdag ni Supan na ang mga laro sa alas-4 ng hapon tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes, kasama ang isang laro tuwing Sabado, ay mapapanood nang live sa TV5 samantalang ang mga laro sa alas-12 ay mapapanood sa Aksyon TV 41.
“These changes were already agreed upon by the league and TV5 and we’re happy with it,” ani Supan.
Magsisimula ang NCAA Season 90 sa Hunyo 28 sa venue na hindi pa nadetermina.
Unang maglalaban ang defending champion San Beda College kontra JRU at Letran kalaban ang San Sebastian.
“Today’s Heroes, Tomorrow’s Legends: We Make History” ang tema ng NCAA ngayong taong ito.
(James Ty III)