Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

61-anyos lolo tinarakan ng hostage-taker

KRITIKAL ang kalagayan ng 61-anyos lolo nang pagsasaksakin ng hostage-taker dahil sa hinalang sipsip sa pulis, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Eduardo Lipasana, 61, ng Block 65, Bagong Silang, Brgy. San Jose, sanhi ng malalim na saksak sa dibdib.

Agad naaresto ang suspek na si Alejandro de Antonio, 55-anyos, nahaharap sa kasong frustrated murder.

Sa ulat ni PO3 Ronnie Garan, may hawak ng kaso, dakong 2:00 p.m. kamakalawa nang maganap ang pananaksak sa harap ng bahay ng biktima.

Nabatid na nagtanim ng galit ang suspek sa biktima nang pagbintangan ang huli na siyang tumawag ng mga pulis noong i-hostage niya ang sariling pamilya ilang buwan na ang nakararaan. (rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …