Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagnakaw ng panabong kinuyog ng 8, dedbol

PATAY sa bugbog ng walong ‘di kilalang suspek ang isang lalaki nang maaktohang ninanakaw ang panabong na manok, sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan nasa edad 45 hanggang 50, may taas na 5’2 hanggang 5’4, payat ang pangangatawan, kayumanggi, naka-asul na t-shirt at pantalong maong.

Sa ulat na tinanggap ni Insp. Jose Mari Jasmin, deputy officer ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 4:00 a.m. sa loob ng Sgt. Mariano Cemetery, Brgy. 148, Zone 16.

Ayon sa isang Richard Enriquez, 24, caretaker ng sementeryo, dakong 3:00 a.m. nakita ang biktima na may dalang panabong na manok habang hinahabol ng walong lalaki na sumisigaw ng “magnanakaw, magnanakaw” at nang abutan saka pinagtulungang gulpihin.

Natagpuan ang labi ng biktima ng mga opisyal ng barangay sa sementeryo at inaalam kung ang kanyang mga kaanak.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …