Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manobo tribal leaders wanted sa militar (Mining, logging operations sa Mindanao tinutulan)

051714 manobo leaders
DAHIL sa walang habas na pandarahas sa kanilang hanay, humingi ng tulong sa media ang mga leader at miyembro ng Salugpungan Ug Pakigbisog Alang sa Yutang Kabilin (Unity and Struggle for the Ancestral Land) sa press conference na ginanap sa isang lugar sa Talaingod, Davao del Norte nitong Martes, upang manawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na ipatigil ang military operation sa nasabing bayan na nagresulta n g maraming paglabag sa karapatang pantao ng mga sibilyan. Nasa larawan (mula kaliwa) ang mga Datu na sina Tungig, Guibang, Doluman at Sanpa. Ang kasama nilang si Datu Guibang Apoga ay may patong na P5 milyon para sa ikadarakip matapos siyang magdeklara ng ‘Pangayaw’ – deklarasyon ng giyera noong 1993 — laban sa pagpasok ng mga mining at logging companies sa kanilang bayan. (BOY BAGWIS)

TINUTUGIS ng militar ang lider ng grupong Salugpungan Ug Pakigbisog Alang sa Yutang Kabilin (Unity and Struggle for the Ancestral Land) bunsod ng pagtutol ng grupo sa pagmimina at logging operations sa Mindanao.

Ang Manobo leader na si Datu Guibang Apoga ay may P5 milyon patong sa ulo makaraan ang pagdedeklara ng Pangayaw o tribal declaration of war, noong 1993 dahil sa pagpasok ng mining and logging companies sa rehiyon.

Napag-alaman na bumalik ang Manobo evacuees sa kanilang tahanan at inani ang abaka sa Sitio Sambolongan, Talaingod, ilang buwan makaraan ang pananatili sa Davao City.

Libo-libong Manobo Lumad ang tumakas mula sa matinding militarisasyon sa 11 barangay sa Talaingod, Davao del Norte makaraan ang serye ng aerial bombings at pangha-harass ng mga sundalo.

Ilan sa kanila, kabilang ang mga babae, ay ginamit ng mga sundalo bilang “guides.”

Nananawagan ang grupo sa administrasyong Aquino na itigil na ang pinaigting na military operations sa kanilang lugar na nagresulta sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga sibilyan.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …