Sisimalan na ngayong hapon sa pista ng Metro Turf ang unang leg ng 2014 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” na kinabibilangan ng mga kabayong sina Castle Cat, Heart Of A Bull, Hello Patrick, Hermosa Street, Hidden Moment, Jazz Moment, Love Na Love, Lucky Leonor, Malaya, Marinx, The Lady Wins, Up And Away, Wild Talk at Wo Wo Duck.
Sila ay maglalaban sa distansiyang 1,600 meters at ang magwawagi ay may nakalaan na halagang P600,000.00 bilang gross prize plus P30,000.00 para sa breeder. Ang aking mga napipisil ay sina Jazz Moment, Love Na Love, Lucky Leonor at Malaya .
***
Taglay pa rin ng kabayong si Don Andres ang pagiging mainam niya sa gabi o malamig na panahon matapos niyang pagwagian ang isang Class Division-4 na grupo.
Bukod pa diyan ay mas lalong maganda ang itinakbo niya dahil sa basa ang pista nitong nagdaang Miyerkoles sa pista ng SLLP. Kaya kahit ano pang lakas ng ayre ng kanyang mga kalaban ay hindi muna siya ginalawan ng kanyang sakay na si Dudong Villegas, pero pagpasok ng tres oktabos ay rumemate na silang dalawa hanggang sa makalayo pagdating sa meta.
Naorasan si Don Andres ng 1:36.0 (18’-25’-25’-26’) para sa 1,500 meters na distansiya.
Fred L. Magno