Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Anderson lalaro sa Filoil Tourney

KINOMPIRMA ng head coach ng Holy Trinity University ng General Santos City na si Pol Torrijos na lalaro sa kanyang koponan ang aktor na si Gerald Anderson sa susunod na laro ng Wildcats kontra University of the Philippines sa Filoil Flying V Pre-Season Premiere Cup sa Sabado, Mayo 17, sa The Arena sa San Juan.

Ayon kay Torrijos, dating manlalaro si Anderson sa high school team ng Wildcats at may balak siyang maglaro sa pagsisimula ng liga nila sa Mindanao ngayong school year.

“Hindi ako sigurado kung in shape si Gerald,” wika ni Torrijos. “Ngunit sa tingin ko, maganda para ma-boost ang morale ng team namin.”

Dapat sanang maglaro at mag-aral si Anderson sa Ateneo de Manila ngunit hindi siya natuloy dahil sa kanyang pagiging artista.

Nag-tryout din si Anderson para sa NLEX Road Warriors ng PBA D League.

May tatlong sunod na pagkatalo ang HTC sa torneo pagkatapos na tambakan ng College of St. Benilde ang Wildcats, 106-92, noong Linggo sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …