Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao ihahanda ang coaching staff ng Kia

DESIDIDO ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na magtatag ng malakas na koponang Kia Motors para sa unang pagsabak nito sa Philippine Basketball Association sa susunod na season.

Ayon sa isang source na malapit kay Pacquiao, kukunin niya sina Glenn Capacio at Ariel Vanguardia bilang mga assistant coaches samantalang ang business manager ng boksingero na si Eric Pineda ay magiging team manager ng Kia.

Si Pacquiao ang magiging playing coach at nakatakda siyang pumirma ng tatlong taong kontrata sa Kia anumang araw mula ngayon.

Nais ni Pacquiao na sundan ang yapak ni Robert Jaworski na naging playing coach ng Barangay Ginebra San Miguel mula 1985 hanggang 1998.

Ngunit binanggit din ng source na mapipilitan ang Kia na gawing head coach na lang si Pacquiao dahil nga hindi siya puwedeng maglaro sa liga kung hindi siya dadaan sa rookie draft.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …