Sunday , November 24 2024

Freeze order vs Corona assets inilabas na

HINDI na maaaring magamit ni dating Chief Justice Renato Corona at ng kanyang asawang si Cristina ang kanilang mga ari-arian makaraan patawan ng freeze order ng Sandiganbayan ang kanilang assets.

Sa kautusan ng Sandiganbayan Second Division, inaatasan ng korte si Sheriff Alex Valencia na agad ipatupad ang direktiba.

May kaugnayan ito sa forfeiture case ng mag-asawang Corona dahil sa sinasabing labag sa batas na pagkamal ng yaman.

Ang naturang usapin din at ang hindi pagdedeklara ng wastong SALN ang naging sanhi ng pagkaka-impeach kay Corona bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

DUMMIES DAMAY SA ORDER

DESMAYADO ang kampo ni dating Chief Justice Renato Corona sa inilabas na freeze order sa kanilang mga ari-arian ng Sandiganbayan.

Ang kautusan na may lagda ni Sandiganbayan Second Division Chairperson Justice Teresita Diaz-Baldos, ay may kaugnayan sa P130.9 million kwestyonableng ari-arian ng Corona couple.

Bukod sa mag-asawang Renato at Cristina, damay rin sa freeze order ang sinasabing naging dummy, trustees at iba pang taong mapatutunayang nagtatago ng mga ari-arian ng mag-asawa.

Epektibo ang kautusan ng Sandiganbayan makaraan maibigay ang kopya nito kay Sheriff Alex Valencia.

Nangangahulugan na sa bisa ng writ of preliminary attachment na inisyu ng korte, hindi magagalaw nina Corona ang kanilang mga ari-arian na sakop ng kautusan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *