IPINA-SUBPOENA na rin ng Senado ang digital-list na sinasabing naglalaman ng pangalan ng mga mambabatas at mga cabinet officials na nakinabang sa multi-billion peso pork barrel scam, na hawak ngayon ng whistleblower na si Benhur Luy.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, pinirmahan niya ang subpoena base na rin sa kahilingan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofistio Guingona III.
Samantala, binalaan ni Drilon si Justice Secretary Leila de Lima na maaari siyang ma-cite for contempt kapag hindi na-meet ang itinakdang deadline ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon para isumite ang listahan at affidavit ni Napoles.
Kailangan aniya ay may balidong rason si De lima para hindi siya ma-cite for contempt.
Matatandaan nitong Lunes, pinadalhan ng subpoena si De Lima para ibigay sa committe ni Guingona ang hawak niyang listahan at affidavit ni Napoles.
–NINO ACLAN (May dagdag na ulat sina BHENHOR TECSON, LARA LIZA SINGSON, NIKKY-ANN CABALQUINTO, CAMILLE BOLOS at ANTONIO MAAGHOP JR.)