DAVAO CITY – Bagama’t sumuko sa mga awtoridad ang adik na mister na pumatay at sumunog sa ari ng kanyang misis, hindi pa rin matanggap ng mga magulang ang sinapit ng biktima.
Kinilala ang suspek na si Danny Boy Cabrera, suspek sa pagbaril at pagpatay sa misis niyang overseas Filipino worker (OFW) na si Emily Mendoza sa Brgy. Acacia, Buhangin sa Lungsod ng Davao.
Una rito, natagpuang wala nang buhay si Emily at may tama ng baril sa ulo habang sunog ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Emosyonal na inihayag ng tiyahin ng biktima na si Bebeng Orilla, kung ano ang kinahinathan ng kanyang pamangkin ay ganoon din dapat ang maranasan ng suspek.
Sa kasalukuyan, halos hindi pa makausap ang ama ng biktima dahil sa trauma.
HATAW News Team