Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yaya naligis ng matuling SUV sa makipot na kalye

051414_FRONT

NAMATAY ang  28-anyos  yaya nang araruhin ng sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad  sa makipot na kalye ng Protacio, sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Laila Opiana, ng 2628 Cabrera St., pero binawian din ng buhay habang ginagamot ng mga doktor sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Margarito Agas ng Pasay Police Traffic Management Unit, naglalakad si Opiana patungo sa tindahan malapit sa 74thStreet para bumili ng mineral water nang mabundol ng Toyota Fortuner (NLQ-963) na minamaneho ni Hazel Mallari Chilton, 35, ng 20-A Joaquin St., San Lorenzo Village, Makati City.

Sa tindi ng pagkakabundol, nakaladkad pa nang ilang metro ang biktima hanggang maipit  sa konkretong poste ng gate sa isang bakanteng lote.

Kusang loob na sumuko sa pulisya si Chilton at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …