Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss PH Earth winners desmayado sa mabahong Pasig River

MAGING ang Miss Philippines Earth 2014 beauty queens ay desmayado sa nagkalat na mga basura nang sumakay sila  sa Pasig River Ferry na muling binuhay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng umaga.

Layunin ng pagsakay ng MissPhilippines-Earth beauty queens, upang hikayatin ang publiko na tangkilikin ang Pasig River Ferry System bilang alternatibong transportasyon sa Metro Manila.

Ayon kay Miss Philippines-Earth 2014 Jamie Herrell, ikinalungkot niya nang makita niya ang kalagayan ng Pasig River, na para sa kanya ay nababagay bilang tourist attraction.

Aniya, kailangan pagandahin ang Ilog Pasig at turuan ang publiko ng tamang pagtatapon ng basura.

Inamin ni MMDA Chair Francis Tolentino na maraming basura sa Pasig River na nagmula  sa San Juan River.

Tiniyak din ni Tolentino muli nilang lilinisin ang ilog para sa mga pasahero ng Pasig River Ferry System.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …