KUNG kayo po ay regular na dumaraan sa ruta na madaraanan ninyo ang TRAMO St., at Andrews Avenue, ‘e mag-ingat po kayo lalo na sa gabi.
Kapag kayo po ay napahinto sa lugar (sa traffic) na ‘yan huwag na huwag po kayong magbubukas ng bintana dahil mayroon biglang lalapit sa inyong mga aakalain ninyong manghihingi lang ng limos pero kakalawitin na ang kwintas ninyo o kaya aagawin ang cellphone/iPhone.
Masyadong malakas ang loob ng mga mangangalawit kasi madilim sa nasabing area. Madali silang nakapagtatago sa gilid-gilid kaya magugulat na lang kayo na bigla na lang may sumusulpot.
Pasay PNP Chief S/Supt. FLORENCIO ORTILLA Sir, pasyal-pasyal ka naman sa area na ‘yan kapag may time.
Huwag naman laging sa Resorts World o sa New Port lang …
‘Di ba Kernel Ortilla?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com