KUMBAGA sa puno ng niyog o puno ng saging, ang mga dayuhang CASINO FINANCIER ay pwede rin tawaging ‘UBOD.’
UBOD nang swerte na sila ay namamayagpag sa ilalim ng administrasyong ‘nag-aalok’ ng ‘daang matuwid.’
Paano naman hindi sasabihing ubod ng swerte ‘e daig pa nila ang mga diplomat kapag pumapasok na sa mga Casino, sandamakmak ang bodyguard.
Gaya na lang ng isang Joseph Ng. Isang kilalang Casino financier na minsan nang hinabol ng saksak ng isang player na natalo Casino.
Pero imbes paimbestigahan ang money laundering ni Joseph Ng sa Casino, ayon nadale pa ‘yung isang player at pinalabas na may utang sa kanya.
‘Yan po ‘yung insidente na hinuli ang isang Chinese national sa Pasay City malapit sa Resorts Word Manila, at nakita sa kanyang sasakyan ang sandamakmak na mga baril at bala. May ‘bonus’ pang ilang sachet ng shabu.
Ang higit pa nating ipinagtataka rito, bakit nabibigyan ng sandamakmak na bodyguard ang mga dayuhang Casino financier na ‘yan?
Gen. ALAN PURISIMA Sir, ang mga pulis ba natin ay pinasusuweldohan mula sa taxpayers’ money para maging bodyguard ng mga dayuhang Casino financier?!
Paki-check na nga po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com