TINANGGAP na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw sa pwesto ni PCSO Chairperson Margarita Juico.
Si Juico ay nagsumite ng irrevocable resignation kay Pangulong Aquino dahil sa personal na dahilan.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hangad ni Pangulong Aquino ang mabuting kahinatnan ng desisyon ni Juico na tapusin ang career sa public service.
Ayon kay Coloma, magiging epektibo ang pagbibitiw ni Juico kapag nakasagot na ang Pangulong Aquino sa pamamagitan ng formal written acceptance.
“President Aquino thanks outgoing PCSO Chairperson Margarita Juico for her dedicated service to the government and the Filipino people. She also served with President Corazon Aquino all throughout her presidency, then went on to serve in the PCSO board in the succeeding administrations. As an esteemed family friend, President Aquino wishes her well on her decision to end her stint in public service. Effectivity of Chairperson Juico’s resignation is upon formal written acceptance by the President in accordance with established procedures,” ani Coloma.
(ROSE NOVENARIO)