Saturday , November 16 2024

Puwet natuhog yagbols muntik madurog (Senglot na laborer nahulog)

BUTAS ang hita, wasak ang puwet at muntik madurog ang yagbols  ng  lasing na   obrero nang mahulog mula sa bubungan ng gusaling kanilang kinukumpuni sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Malubha ang kalagayan sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ng biktimang kinilalang si  Edwin Sorita, 44-anyos, stay-in worker ng Arellano University nasa Gov. Andres Pascual St., Brgy. Concepcion.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 a.m. nang maganap ang insidente sa compound ng nasabing kolehiyo.

Nauna rito, nakipag-inuman ang  biktima sa mga kasamahan at nang malasing ay nagpasyang matulog.

Dahil sa init ng panahon, naisipan niyang lumipat ng tulugan sa bubungan nang biglang bumulusok  sa malalim na hukay ang biktima kung saan natusok ng bakal ang kanyang hita, puwet at muntik madurog ang bayag ni Sorita.

Agad  tinulungan ng rescue team  ang biktima na gumamit ng hydraulic jack upang maputol ang mga bakal na tumusok sa katawan ni Sorita.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *