Sunday , February 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasaherong Iranian nagholdap ng taxi driver

ISANG  Iranian national ang nasakote ng mga awtoridad, habang patakas na naglakad matapos holdapin ang taxi driver ng sinakyan niyang taxi sa Sta. Mesa Maynila, kahapon ng  umaga.

Kinilala ang biktimang si Roy Ronquilio, 57, may asawa, taxi driver, ng Sta. Cecilia St., Valley 1, Parañaque City.

Dinala sa tanggapan ng General Assignment Section ng Manila Police District ang suspek na kinilalang si Dostras Mohammad Hussein, 30-anyos, Iranian national, dentistry student ng CEU, pansamantalang naninirahan sa Cronic building, C.M. Recto corner Pureza streets, Sta. Mesa.

Salaysay ng bitkima, kung saan-sana siya dinala ni Hussein bago siya holdapin. Nagpasalamat siya pagresponde ng mga tauhan ni Supt. Fernando Mercado Opelanio kaya agad nasakote ang suspek  at naiuha sa kanyang pag-iingat  ang kutsilyong ginamit sa holdap at ang cellphone ng taxi driver.

– LEONARDO BASILIO (May kasamang ulat nina Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop, jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino POC

Tolentino naniniwalang PH sa Winter Olympics  “Walang imposible!”

MALINAW ang pananaw si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino habang nagpapadala ang …

SM Matcha

All for You Matcha Madness Hits SM Supermalls
SM Supermalls takes Matcha Fest nationwide

MANILA, Philippines 5 February 2026 — Building on the first-ever Matcha Fest held at the …

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Dead Road Accident

Dump truck na kargado ng krudo nahulog sa bangin, 9 LGU employees todas

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang siyam empleyado ng lokal na pamahalaan ng Bayawan City sa …

Blind Item, Gay For Pay Money

P800 umento sa kasambahay, epektibo sa 7 Pebrero 2026

EPEKTIBO na sa 7 Pebrero ang P800 umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa …