BAGO ang lahat gusto nating pasalamatan si outgoing Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Margarita Penson Juico.
Nagpapasalamat po sa iyo sa mga pasyenteng ini-refer natin sa PCSO sa pamamagitan ng Alab ng Mamamahayag (ALAB) na na-accommodate ni Madam Juico at talagang natulungan nang husto.
Thank you, Madam Chair.
Pero nagtataka talaga tayo kung bakit biglaan naman ang paggo-GOODBYE ni Madam Chair Juico sa PCSO.
Ano man ang dahilan, nakahanda po kaming pakinggan ‘yan.
On the other hand, binabati natin si dating Cavite Governor Ireneo “Ayong Slot Machine” Malicsi sa kanyang bagong pwesto bilang bagong Chairperson ng PCSO.
Mukhang malakas pong bumulong si Rehab Czar Panfilo ‘Ping’ Lacson, ano po?!
Chairman Malicsi, hangad ko po ang inyong maginhawang pag-upo d’yan sa PCSO.
Lalo pa sana ninyong paigtingin ang paglilingkod ng PCSO sa sambayanan.
Isang tanong lang po: Wala naba kayong ambisyong bumalik sa politika (2016) sa kahit anong posisyon?!
Kasi Chairman Ayong, kung mayroon ka pang ambisyon sa politika ‘e baka mapagbintangan kang nag-fund raising ka lang d’yan sa PCSO?!
Anyway, good luck, Chairman Ayong!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com