Tuesday , December 24 2024

Gang leader sa Isabela todas sa ambush

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay makaraan barilin nang maraming beses dakong 6 p.m. kamakalawa ang itinuturong lider ng criminal gang sa Isabela na pangunahing kumikilos sa 3rd at 4th district ng lalawigan.

Idineklarang dead on arrival sa Manango Hospital sa Alicia, Isabela ang biktimang si Prisco “Piring” Taguba, residente ng Cumu, Angadanan, Isabela, lider ng tinaguriang Taguba group.

Sa imbestigasyon ng Angadanan Police Station, minamaneho ni Taguba ang kanyang Nissan Terrano nang harangin at paputukan ng hindi nakilalang armadong lalaki.

Ang criminal gang na sinasabing pinamumunuan ni Taguba ay sangkot sa maraming kaso ng pagnana-kaw, pagpatay at iba pang uri ng krimen sa ilang bayan sa 3rd at 4th district ng Isabela.

May mga mandamiento de aresto na ipinalabas ang korte sa mga kasong isinampa laban kay Taguba ngunit hindi siya naaresto dahil magaling magtago.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *