PINAYAGAN ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si dating Commission on Audit (COA) chief Reynaldo Villar kaugnay sa kasong pandarambong.
Si Villar ay kasama ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na aku-sado sa P300-million plunder case hinggil sa paglustay sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa resolusyon ng anti-graft court, P1.2 milyon ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Villar.
Si Villar ay naaresto noong nakaraang buwan sa Parañaque makalipas ang halos dalawang taon pagtatago.
Ayon sa Sandiganba-yan, hindi nila itinuturing si Villar na flight risk kaya pinayagang magpiyansa.
Nabigo rin anila ang prosekusyon na mapatunayang nakipagsabwatan ang dating COA chairman sa kuwestyonableng transaksyon.
Ang resolusyon ay isinulat ni Sandiganbayan Associate Justice Efren De La Cruz.