Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ari dinakma kelot tinaga ni kumpare

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inamin ng suspek sa pananaga sa Pagdalagan Norte, San Fernando, La Union na kaya niya tinaga ang kanyang kainoman ay dahil napikon siya sa tangkang paghipo ng biktima sa kanyang ari kamaka-lawa.

Ayon sa suspek na si Cesar Balmores, laging tinatangka ng biktima na si Ma-riano Salamente na hawakan ang kanyang ari sa tuwing magkasama sila.

Napag-alaman, matalik na magkaibigan ang dalawa.

Sa unang tatlong beses na pagtatangka ni Salamente ay nakailag si Balmores kaya naiwasan na mahipo ang kanyang pribadong bahagi ng katawan.

Gayon man, nang magkayayaan ang dalawa na mag-inoman sa bahay ng suspek kamakalawa, hindi namalayan ni Balmores ang kamay ni Salamente na nasa kanyang hita at bigla na lamang ibinaba ang zipper ng kanyang pantalon.

Dahil sa sobrang hiya at galit ng suspek, dali-dali si-yang pumanhik sa kanyang bahay, kumuha ng itak at pinagtataga ang kanyang kaibigan.

Tinamaan ng taga ang biktima sa noo, kamay at da-lawang hita, at ngayon ay nilalapatan ng lunas Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).

Sa kabilang dako, mariing itinanggi ng biktima ang alegasyon ng suspek at idiniing hindi niya ito magagawa dahil siya ay may asawa.

Aniya, pawang kasinu-ngalingan ang sinasabi ng suspek dahil laging nagwawala tuwing nalalasing at gusto lang takasan ang kanyang kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …