Saturday , November 16 2024

Zoren Legaspi inasunto sa P4-M tax case

SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang actor-director na si Zoren Legaspi sa Department of Justice (DoJ).

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi idineklara nang tama ni Legaspi sa kanyang income tax return (ITR) ang income niya sa taon 2010 at 2012.

Umaabot sa P4.45 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula kay Legaspi na hindi nabayaran.

Sinabi ni Henares, noong 2010, umabot sa P9.64 million ang kinita ni Legaspi ngunit ang idineklara niya sa ITR ay P6.79 million lamang.

Noong 2012, kumita ang aktor ng P6.49 million ngunit ang idineklara ay P1.82 million lamang.

Ayon kay Henares, umaabot sa 42 percent ang underdeclaration ni Legaspi sa kanyang buwis noong 2010 at 256 percent noong 2012.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang kampo ni Legaspi kaugnay sa isyu.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *