Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quezon Prov’l Jail warden sinibak sa riot

SINIBAK na ang jail warden ng Quezon provincial jail makaraan ang madugong riot sa kulu-ngan na ikinamatay ng apat bilanggo at pagkasugat ng 28 iba pa kamakalawa.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology regional director, Chief Supt. Serafin Barretto, sinibak si Chief Inspector Princesito Heje upang bigyang daan ang imbes-tigasyon.

Magugunitang sumugod ang Lucena police sa Quezon provincial jail nang magprotesta ang 100  bilanggo  laban sa paglipat ng isa nilang kasamahan sa ibang kulungan.

Nang dumating ang mga pulis ay inatake ng mga  bilanggo  dahilan upang magkaputukan na naging dahilan ng magudong insidente.

Bunsod nito, nais malaman ng BJMP kung bakit nagkaroon ng mga armas ang mga preso sa loob ng bilangguan.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation, Commission on Human Rights at Quezon provincial police hinggil sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …