Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NIA official pinaiimbestigahan kay Pangilinan

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang grupo ng mga magsasaka sa Pangasinan ang isang babaeng opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) dahil sa umano’y biglang pagyaman tulad ni Janet Lim –Napoles at napapabalitang nalululong na sa casino gabi-gabi.

Ayon kay Samahan ng mga Magbubukid ng Binmaley (SMB) President Rogelio Cruz, makikipag-ugnayan sila kay Sec. Francis “Kiko” Pangilinan, ang bagong natalagang Presidential Assistant on Agriculture and Food Security Management, para maimbestigahan agad ang opisyal na kilala sa tawag na “Donya Rosario.”

Sinabi ni Cruz na nagtataka lamang sila na hindi naman mayaman ang kanilang kababayan na si Donya Rosario pero tila biglang naging marangya ang buhay nang makapasok sa NIA, may limang taon pa lamang ang nakalilipas.

Dagdag ni Cruz, kontodo alahas na pawang mga brilyante pa umano ang suot mula tenga, leeg, kamay, daliri at bukong-bukong araw-araw sa pagpasok sa opisina kaya siya pinag-uusapan araw-araw sa NIA.

Kataka-taka rin aniya ang kakayahan na bumili ng bagong sasakyag Jaguar gayong kakarampot lamang ang suweldo niya sa NIA.

Nais ni Cruz na paimbestigahan agad ni Sec. Pangilinan ang ulat na madalas umanong mag-casino ang naturang opisyal, na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinasisilip rin ng mga opisyal ng SMB at ikompara ni Pangilinan ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong bago siya pumasok sa NIA at ang bagong SALN nitong 2012 at 2013.

Naiinis ang kanyang mga kababayang magsasaka dahil sa tinagal-tagal na raw niya sa NIA ay hindi man lang niya natulungan ang kanilang lugar para gumanda ang kanilang irrigation system na ngayon ay sisinghap-singhap na. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …