Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kagawad, 1 pa utas sa ratrat (Pagkatapos ng Caloocan traffic chief)

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang kanyang misis, at patay rin ang isang lalaki habang sugatan ang babaeng kanyang katabi makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City.

Ito ay isang araw lamang makaraan ang naganap na pagpaslang 66-anyos dating hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) na si Eduardo Balanay sa nasabing lungsod.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Brgy. 181 Kagawad Garry Moralla, 26, sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre .9mm, habang sugatan sa kamay ang  misis niyang si Jonalyn, 27, admin assistant, ng #309 Libra St., Pangarap, makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni PO3 Anthony Cruz, dakong 10 p.m. habang naglalakad ang dalawa sa Gemini St. ng nasabing barangay nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Sa teorya ng pulisya, maaaring ang krusada ng biktima laban sa droga ang motibo sa krimen.

Samantala, hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital (VGH) ang biktimang si Reymon Gallego, 33, ng #31179 Avocado St., Bagbaguin ng nasabing lungsod, habang nilalapatan ng lunas si Anie Batrina, 19, ng Gen. T. de Leon, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City, makaraan pagbabarilin sa loob ng Piso Net shop sa Jose Compound, NY, Bagbaguin ng lungsod.

Mabilis na nakatakas ang suspek lulan ng motorsiklo na hindi naplakahan makaraan ang krimen.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo at mga suspek sa dalawang insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …