ni Reggee Bonoan
NAGTATAKA si Sam Milby kung ano ‘yung ikinuwento ni Bangs Garcia na naging ‘sila’ ng aktor noong hindi pa siya pumapasok sa Pinoy Big Brother season one.Ayon sa co-star ni Sam sa Dyesebel at kasama rin sa pelikulang So It’s You ay exclusively dating sila ng aktor noong bago pumasok sa Bahay ni Kuya at bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon nang lumabas na si Sam.
Ayon pa kay Bangs, wala silang closure ni Sam, pero okay na raw iyon dahil matagal na panahon na iyon at nagkikita naman sila madalas sa taping ng Dyesebel bilang love-interest din niya ang aktor na gumaganap naman bilang si Liro.
Tinanong namin ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo at sinabi nitong, ”wala akong alam kasi nine (9) years ago pa ‘yun. Alam ko lumalabas sila kasi magkasama sila sa Close-up TVC.”
At nang ipatanong naman namin kay Sam ang tungkol sa naging relasyon nila ni Bangs, ”huh? Hindi naging kami!”
Hmm, mukhang may dapat pag-usapan sina Sam at Bangs, ‘di ba Ateng Maricris?