Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Preso sa Lucena nagprotesta (4 patay, 20 sugatan)

UMABOT na sa apat ang mga  napatay na bilanggo habang tinatayang nasa 20 katao ang sugatan sa naganap na protesta ng mga preso sa  provincial jail sa Lucena City, sa Quezon province kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lucena City Police chief, S/Supt. Allen Rae Co, ang mga namatay na sina Gary Esguera, Jose Umali Escasa, Cristian Contemplacion, at Manuelito Palma.

Ang protesta ay nag-ugat sa paglilipat sa ibang selda sa ilang mga bilanggo.

Naglagay ng barikada ang mga preso upang pigilan ang paglilipat hanggang magresulta sa barilan gamit ang improvised na armas ng mga bilanggo.

Kabilang din sa mga sugatan ang ilang sibilyan na bumibisita lamang sa bilangguan.

Isinugod ang mga sugatan sa Quezon Medical Center. Karamihan sa kanila ay na-trap sa piitan nang maganap ang tensyon.

Ayon sa BJMP at PNP Lucena, kontrolado na ang sitwasyon sa loob ng bilangguan.

(RAFFY SARNATE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …