NAMATAY na ang isang Filipina nurse na taga-Negros Occidental, makaraan isailalim sa quarantine para obserbahan sa kilalang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).
Ayon kay Arnold Diaz, kamag-anak ng pasyente, kinompirma sa kanya ng asawa ng nurse na si alias Toto na namatay ang biktima dakong 11 a.m. (Saudi time).
Aniya, ilang araw nananatili sa Intensive Care Unit (ICU) ng King Fahd Medical City sa Riyadh ang nurse para inobserbahan sa MERS-CoV.
Nagtatrabaho ang nurse sa naturang ospital, itinuturing na isa sa pinakamalaki at advanced medical complex sa Middle East.