Monday , December 23 2024

Pilipinas umabante sa FIBA Asia U 18

TINAMBAKAN ng Pilipinas ang Malaysia, 93-76, noong isang gabi sa 2014 SEABA Under 18 championship sa Sabah, Malaysia.

Nagsanib sina Ranbill Tongco at Mark Dyke sa 18-2 na ratsada sa ikalawang quarter upang makalayo ang mga Pinoy sa 45-30 sa halftime tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Dahil sa panalo, umabante ang mga bata ni coach Jamike Jarin sa FIBA Asia U18 championships na gagawin sa Dubai, United Arab Emirates, sa Agosto.

Naunang tinalo ng mga Pinoy ang Indonesia, 98-35, noong Lunes.

Habang sinusulat ito ay nakikipaglaban sila kontra Singapore sa kanilang huling asignatura kung saan sisikapin nilang walisin ang torneo.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *