Saturday , November 23 2024

Military armory sumabog sa 4 sunog sa Metro (70-anyos patay, 5 kritikal, 20 sugatan)

050814_FRONT

SUMABOG ang armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, patay ang 70-anyos Tsekwa at umabot sa P6 milyon ang naabo sa apat na sunog na naganap sa Metro Manila.

Lima  ang kritikal sa 25 kataong sugatan nang masunog kasunod ng pagsabog ng armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, kinilala ang limang kritikal na sina Capt. Julius Galeon, Cpl. Rosalino Galia, 1st Lt. Diney Alosada, M/Sgt. Ferdinand Rapal at Sgt. Rommel Sepino, na pawang dinala V. Luna Hospital.

Unang iniulat na nasunog ang tanggapan ng Army Support Command, partikular ang imbakan ng Explosives and Ordinance Division (EOD).

Agad iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog at sinundan ng pagsabog na ikinasugat ng ilang bombero at sundalong nagresponde.

Kinilala ang mga bomberong sugatan na sina: Rodolfo Franco; Joel Lopez; Marcelo Ortega; Luis Larangan; Fire Insp. Ma. Lea Sajili; Fire Officer 3 Herle Barrios; Fire Officer Rossana Chipan; dalawang fire volunteer ng Pasig City Fire Department  at dalawang photographer ng Philippine Army.

Isinugod sa AFP Medical Center ang 18 sugatan at isa pa ang ginagamot sa Pateros Hospital.

Sa ulat ni Fire Inspector Pedrito Panganiban, ng Taguig City Fire Department, dakong 10:28 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa Explosive Ordnance  Division (EOD) Battalion Headquartes ng Philippine Army nasa Lawton Avenue, Fort Bonifacio ng nasabing siyudad.

Napag-alaman na habang inaapula ng mga bombero ang sunog sa naturang gusali nang biglang may sumabog sa tanggapan at nasapol ang mga nagrespondeng bombero.

Tinamaan din sa pagsabog ang mini-fire truck ng Mandaluyong City Fire Department at habang nasusunog, tuloy-tuloy ang pagsabog na pinaniniwalaang mga bala at pampasabog na nakaimbak sa naturang tanggapan at dakong 11:05 a.m. idineklarang fire out.

Samantala,  patay ang 70-anyos Chinese national at sugatan ang fire volunteer, nang masunog  ang  gusali sa kanto ng C.M. Recto Ave., at Sto. Cristo St., Binondo, Maynila,   kahapon ng umaga.

Kinilala ni Fire Supt. Jaime Ramirez, ang biktima na si Joseph Ng, 70, bed ridden, naiwan sa ikalimang palapag ng nasusunog na gusali.

Habnag nasugatan ang kaliwang daliri  ng fire volunteer na si Marel Wong,  dahil sa nabasag na salamin.

Ayon sa fire officer, dakong 11:47 a.m. nagsimula ang apoy sa  5-storey Chua Limco building.

Idineklarang fire under control na umabot sa task force alpha  dakong 1:41 p.m. na tinatayang P5 milyon ang halaga ng naabong ari-arian.

Sa isa pang sunog sa Kyusi,  umaabot sa  P1 milyon ang naabo sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, nagsimula ang  sunog dakong 6 p.m. sa Simon St., Barangay Holy Spirit, QC at naapula makalipas ang dalawang oras.

Sa San Juan City, limang  pamilya ang nawalan ng tirahan at limang unit ng apartment ang naabo nang masunog  ang ikalawang palapag ng abandonadong bahay kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Fire Chief Insp. Gilbert Dolot, ng San Juan City fire Department, dakong 6:15 a.m. nagliyab ang tambak ng basura  sa ikalawang palapag na umabot sa ikalawang alarma sa Paraiso St., Brgy. Corazon de Jesus, malapit sa Pinaglabanan.

nina ALMAR       DANGUILAN      at LEONARD        BASILIO

(May kasamang ulat nina JAJA GARCIA at   ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *