PINANGUNAHAN ni Kid Molave kasama ang 8 iba pang mananakbong lokal ang pagnomina para sa nalalapit na 2014 Philracom 1st Leg Triple Crown Stakes Race sa Mayo 18 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas sa darating na Mayo 18.
Kinompirma ng Philippine Racing Commission (Philracom) na 15 horse owners naman ang nagnomina sa Hopeful Stakes Race na nakatakdang ganapin sa Mayo 17, isang araw bago ang Triple Crown.
Kabilang sa mga magsisitakbo sa Triple Crown ang Low Profile, River Mist, Winter’s Tale, Kanlaon, Dixie Gold, Tap Dance, Kaiserlautern, at Matang Tubig.
Sa Hopeful Stakes race ay nangunguna naman sa mga tatakbo si Up and Away, Marinx, Misty Blue, Love na Love, WO WO Duck, Hermosa Street, Wild Talk, Jazz Again, Hellow Patrick, Malaya, Castle Cat , The Lady Wins, Hidden Moment at Heart of A Bull.
Ang mga nagnomina ay pawang local 3 year old fillies at colts na maghaharap sa distansiyang 1,600 meters.
Nakataya ang P3 milyong papremyo sa 1st Leg Triple Crown na ang mananalo ay mag-uuwi ng P1.8 milyon at trophy mula sa Philracom.
Nakataya naman ang P1- milyon sa Hopeful Stakes race na ang magwawagi ay mag-uuwi ng P.6milyon.
Ni andy yabot